Search

Isang Paggunita kay dating Mayor Pedro ‘Ping’ S. Cuerpo



Ang dating Mayor na si Pedro ‘Ping’ S. Cuerpo ay itinuring na Ama ng Bayan ng Montalban. Sa kaniyang termino nag umpisa na mailagay sa mapa ng kaunluran ang munisipalidad.

Bilang inhinyero na nagpunyagi at nagpakadalubhasa sa pagpaplano, ay masinsing pinag-aralan at sinaliksik ni Cuerpo ang lahat ng aspeto ng suliranin ng Montalban at hinalaw mula rito ang mga solusyon na angkop sa problema.


Nagumpisa ito nang naghain ng panukala si Mayor Ping Cuerpo upang tugunan ang suliranin ng Metro Manila ukol sa basura, baha, at informal settlers. Tinulungan niya ang Kamaynilaan na maisaayos ang paglalagakan ng basura nito sa pakikipagtulungan ng pribadong sektor upang maitatag ang Montalban Solid Waste Disposal Facility (MSWDF) at Montalban Methane Power Plant (MMPP). Dahil dito ay nakapagtipid ng 40% sa 1.7 Bilyong ginagastos ng MMDA sa pagtatapon lamang ng basura ng Metro Manila. Aabot ito sa halos P700 milyon na maaaring pang gugulin sa ibang proyekto na tutugon sa iba pang suliranin ng kamaynilaan tulad ng informal settlers at pagbaha. Ang kawalan ng tapunan ng basura at ang idinulot nitong krisis sa Metro Manila ang nagbigay daan upang mailunsad ang MSWDF noong Enero 2002 sa Montalban. Ito ang nagbigay daan upang makalikom ng malaking public fund ang bayan ng Montalban.


Lumikha ng access road na para lamang sa mga trak ng basura, 7.30 km ang layo sa kahabaan ng La Mesa watershed at 2.40 km na karagdagang kalsada patungong Sitio Lukutang Munti (na nakapuwesto sa likod na parte ng bayan malayo sa kabahayan). Kumpleto ang pasilidad, moderno at maka-kalikasan. May leachate treatment facility na tumupad at naaayon sa itinatadhana ng batas.



Sapagkat ang inimbak na basura ay nakapaglilikha ng methane gas, nagawa itong kulubin upang maging panggatong para sa pagproseso ng enerhiya. Itinatag ang kauna-unahang methane power plant na pinakamalaki sa bansa at maging sa South East Asia. Ang Montalban Methane Power Plant (MMPP) ay naitayo sa pamamagitan ng Dalawang Bilyong Pisong (P2 Billion) investment ng Pilipinong negosyante at kasosyo nitong dayuhang Ingles. Sa panahon ng unang panunungkulan pa lamangt ni Mayor Ping Cuerpo sa Rodriguez (1995-1998), ay umangat agad mula sa 1st class municipality ang Bayan ng Montalban noong 1998. Mataandaan na matagal na panahon na napako ang bayan sa pagiging 3rd class municipality.





Bago umupo si Mayor Ping Cuerpo noong 1995 ay may populasyong 79,668 at may pondong 27 Milyon lamang ang Montalban. Pagpasok ng 1998, ang populasyon nito ay lomobo na sa 92,000 at lumaki din ang pondo sa 104 Milyon. Sa kanyang pangalawang termino naman (2001-2010), muling iniangat ni Cuerpo ang kita ng Munisipyo sa P430 milyon! Habang ang populasyon ay lumobo sa 250,000 noong 2007!


Sa panahong ito, nabigyang katuparan ang mga programa at proyekto na pang masa tulad ng mga sumusunod:

  1. Pagtatatag ng Pamantasan ng Montalban (PNM), URS ang kauna-unahang kolehiyo sa lalawigan ng Rizal.

  2. Naitayo din ang sangay ng University of Rizal System sa Montalban noong 1997.

  3. Pagtatayo ng Barangay High School sa bawat labing-isang barangay (bago maupo si Mayor Cuerpo ay isang high school lang ang meron sa Montalban).

  4. Pinalakas ang programa ng Department of Education na Alternative Learning System.

  5. Itinatag ang Montalban Housing and People’s Development Office (MHPDO) na nag bigay katiyakan sa pananahan sa paggagawad ng Certificate of Occupancy (ito ay naipagkaloob sa humigit kumulang 8,000 pamilyang nakatira sa mga lupang di nila pag-aari).

  6. Maayos na Pasilidad para sa Relokasyon at Socialized Housing

  7. Karapatan sa lupang sakahan. 2,258 na magsasaka ang nakinabang.

  8. Pagtataguyod sa Kapakanan ng mga Katutubo at Karapatan sa Lupang Ninuno.


Si Pedro Ping S. Cuerpo ay ipinanganak noong June 29, 1953 at pumanaw noong June 22, 2020.


245 views0 comments

Recent Posts

See All