Gradient

Program of Action

Ang mga sumusunod ay ang Plataporma de Gobyerno ng kandidato

Vice Mayor Roy Cuerpo.

Ito ay batay sa kasalukauyang kundisyon at pangangailangan ng Bayan ng Montalban. Ang mga ito ay tugon sa pandemya, kahirapan at kaunlaran ang mga pangunahin

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • Instagram

Kasalukuyang Kondisyon ng Munisipalidad ng Rodriguez

Ang pangkabuuang land area ng Montalban ay 312.72 square kilometer o pitong beses na mas malaki sa Maynila. Ito ay halos kalahati naman ng kabuuang lawak ng Metro Manila. 

Ang Bayan ng Montalban ay binubuo ng 11 na Barangay. Sa sensus ng 2020, ang Montalban ay may kabuuang populasyon na 443,954. Nagunguna dito ang mga barangay ng San Jose at San Isidro.

a.    Local Municipal Appropriation – Anong Lakas meron ang Kaban ng Bayan? 

 

Sa taong 2014 hanggang 2015 ay tumaas ang regular na kita ng Montalban mula P108.5M hanggang P486M. Noong 2018 ay umabot na ito sa P746.5M. Nakakuha naman ang mga barangay ng Montalban ng kabuuang P314M mula sa National Tax Allotment ng 2021. Sa National Tax Allotment naman para sa rehiyon ng Rizal, ang Montalban ay makakakuha na ng kabuuang P1.22B. 

Inaasahang lalaki pa ang pondo ng mga lokal na pamahalaan dahil sa Mandanas Ruling ng Korte Suprema noong 2018. Ang Mandanas Ruling ay pinapalawak ang pagkukunan na pondo na pinapamahagi sa mga lokal na pamahalaan. Inaasahang tataas ng 55% ang pondo at papalakasin nito ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan na makapagdesisyon sa sarili.

b.    Kalagayan ng Pandemya ng Covid-19 : 
Ang bayan ng Montalban ay kasalukuyang nasa Alert Level number 2 matapos bumaba ang mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Gayunpaman ay pinagiingat parin ang publiko dahil ang banta ng impeksyon sa COVID-19 ay nananatiling mapiligro. Bagamat pinpayagan na ang mga bata sa pamamasyal sa mga mall at parke, kasama na rin ang dine-in, ay dapat mahigpit na sundin ang pagsuot ng facemask, paghuhugas ng mga kamay at social distancing.

covid1.jpg