Glass Buildings
Glass Buildings
Gradient

CUERPO, Michael Roy C. "Roy" (AKSYON)

  • 44 taong gulang

  • Panganay na anak ni Mayor Pedro S. Cuerpo at Gng. Benilda Cruz-Cuerpo

  • Asawa si Gng. Imee Delfin -Cuerpo

  • May tatlong anak na sina Cristina Cassandra, 18 taong gulang (1st year Marketing Management student sa De La Salle University); Rafael Inigo, 13 taong gulang (2nd year Junior High School student sa Ateneo de Manila), at Martina Izeleia, 5 taong gulang (Preschool pupil sa Miriam College)

  • Kasalukuyang naninirahan sa Cortejos de San Rafael, Brgy. San Rafael, Rodriguez (Montalban), Rizal

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • Instagram

Profile

Antas ng Pinag-aralan:

 

  • Nag-aral ng elementarya at sekondarya sa Marist School, Marikina City

  • Naging 4th year exchange student sa North Hardin High School sa Kentucky, United States of America (USA) noong taong panuruan1994-1995

  • Nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Commerce Major in Business Administration sa University of Santo Tomas, España, Manila taong 1999

  • Nagtapos ng Master in Public Administration sa University of Santo Tomas (UST), España, Manila taong 2002

Karanasan sa Paghahanap-buhay:
 

  • Liaison Officer to the House of Representatives (HOR) ng Department of Interior and Local Government (DILG) mula 1999 – 2001

  • President and Chief Executive Officer (CEO) ng B.C. Cuerpo Construction Corporation (BCCCC) mula 2001 – 2008

  • Municipal Administrator ng Municipal Government of Rodriguez mula 2008 – 2009

  • Chief Operations Officer (COO) ng B.C. Cuerpo Construction Corporation (BCCCC) mula 2009 hanggang sa kasalukuyan

Karanasan sa Pakikipag-ugnayan sa Komunidad:

 

  • P.R.O., UST College of Commerce Student Council taong 1998–1999

  • Miyembro, Rotary Club of Kamuning Central mula 2001 hanggang sa kasalukuyan

  • Tagapangulo, Montalban Youth Foundation mula 2002 – 2005

  • Miyembro, Montalban Professionals and Businessmen Association (MPBA) mula 2003 - 2004

  • Miyembro, Cortejos De San Rafael Homeowners Association mula 2006 hanggang sa kasalukuyan

  • Miyembro, Sta. Cecilia Marriage Encounter taong 2007 hanggang kasalukuyan

  • Pangulo, San Rafael Arkanghel Fiesta Committee taong 2008

  • Pangulo, Rotary Club of Kamuning Central Mula 2008 – 2009

 

Mga Kapita-pitagang Nagawa:

 

  • Sa kanyang panunungkulan bilang Pangulo at CEO, naiangat ang antas ng BC Cuerpo Construction Corporation na may kategoryang AAA, bilang pangunahin kontratista. Ito ay sa pamamagitan ng mga proyektong nagkakahalaga ng 225 hanggang 450 milyong piso na taun-taong nakukuha sa mga pribado at pampublikong ahensiya.

  • Naitaas ang antas ng pamamahala ng kumpanyang B.C. Cuerpo Construction Corporation at nakapagkamit ng ISO Quality Management System Compliance Certificate.

  • Siya ay naging instrumento para sa pagdaloy ng tulong sa mga nangangailangang mamamayan sa pamamagitan ng Rotary Club of Kamuning Central.

Mga Karangalang Nakamit:
 

  • Most Outstanding Youth Leader Award na pinagkaloob ng Montalban Youth Foundation taong 2005

  • 2008 Leadership Award na pinagkaloob ng Rotary Club International taong 2007 - 2008

  • Most Outstanding Rotary Club President Award na pinagkaloob ng Rotary Club International taong 2008 – 2009

  • 2012 Urban Poor Person of the Year, sa pagtulong sa Doña Imelda community on-site housing. Ipinagkaloob ng Urban Poor Associates (UPA) noong Disyembre 07, 2012.

Join us

Please fill up the form to join us. Thank you!

TATAK CUERPO… Serbisyo Publiko